“Isang tulay para sa makabagong kaalaman”



Ano na lamang ang buhay kung wala ang social media at internet? Maraming Pilipino sa atin, lalo na ang mga mag-aaral, ang natutulungan ng modernong teknolohiya. Napakabilis ng paglaganap ng impluwensiya ng social media at internet sa buhay, Kung inyong mapapansin, tila maunlad o talamak na ang mga gumagamit ng internet at ng social media sites. Ang social media at internet ay ginagamit sa pakikipag komunikasyon gamit ang mga makabagong teknolohiya tulad na lamang ng smartphones o kompyuter, bagkus ito ay makakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Makabuluhan sa mga mag-aaral ang paggamit ng social media at internet sa mga aspeto ng pangangalap ng datos o impormasyon upang magkaroon ng bagong ideya, pakikipag-komunikasyon sa kapwa mag-aaral at dahil dito tayo makakakuha ng iba’t – ibang opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu.

Sa panahon ngayon, marami na ang mga aspeto ng social media at internet na maaring makatulong, lalong lalo na sa mga mag-aaral na katulad ko. Isang aspeto ay ang pangangalap ng datos. Ang pangangalap ng datos ay nangangailangan ng tiyaga at oras dahil kinakailangan nito ang pagsasagawa ng pananaliksik, pagbabasa at iba pa. Ang pangangalap ng datos o ang pananaliksik ay maaring magamit sa pang-akademya, pang-agham, pang-edukasyon, pangkasaysayan at pangwika na maaring makatulong sa mga mag-aaral upang mahasa ang kanilang mga kaalaman sa pag-aaral. Napakahalaga ng pananaliksik hindi lamang sa mga mag-aaral kundi sa iba't-ibang tao. Saklaw nito ang napakaraming benepisyo para sa ikabubuti ng pamumuhay ng tao sa iba't ibang larangan at ito ay ginagamit ng mga mag-aaral upang mapalawak ang aming kaalaman at may matutunan na makabagong ideya.

            Facebook, Viber, Wechat, Messenger. Ilan lamang ito sa mga social networking sites na maaring magamit upang makipagkomunikasyon sa ating mga kaklase, kaibigan o pamilya. (Insert ayon kay) Napakalaki ng naiambag ng social media at ng internet o ng mga makabagong teknolohiya sa atin na kung saan pinalawak at pinadali ng social media ang paraan ng pakikipag-usap o pakikipagkomunikasyon. Halintulad na lamang ng pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral, gamit ang internet at social media, ay ang paggamit ng facebook o messenger kung saan sa pamamagitan nito ay dito natin makakausap ang ating mga kagrupo upang pag-usapan o mapabilis ang paggawa ng ating mga proyekto o ang ating mga assignatura. Dahil sa pakikipagkomunikasyon gamit ang mga social media sites at mas lalong magiging bukas ang isipan ng mga kabataan/mag-aaral sa pakikipagkapwa o pakikipagkaibigan.Kung kaya't mayroon ring negatibong epekto ang social media na maaring makadulot sa pagiging tamad ng mga mag-aaral na maaring makaapekto sa kanilang pag-aaral.

              Sa pamamagitan ng social media at internet ay dito tayo makakakuha ng iba't ibang opinyon patungkol sa mga napapanahong isyu. Ang social media at internet ay isang paraan upang makapagpalaganap o makapagbahagi ng impormasyon o mga balita na interasado ang mga mag-aaral tulad na lamang ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa gobyerno sa ating lipunan na maaring mayroong tayong matutunan sa pamamagitan nito. Bagkus lahat ng nakukuha nating isyu/ balita ay maari nating gamitin ang mga artikulo, tungkol sa mga balita, ay maaring magamit sa pang-akademikong aspeto. Ang napapanahong isyu ay maaring magbigay ng impormasyon hinggil sa at saloobin ng mga mag-aaral. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa mga kaganapan sa paligid at nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.

               Samakatuwid, malaki ang naging gampanin ng social media at internet sa pangangalap ng datos o impormasyon upang magkaroon ng bagong ideya o kaalaman, pakikipagkomunikasyon sa kapwa mag-aaral at dahil sa pamamagitan nito, dito tayo nakakakuha ng iba't ibang opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu. Malaki ang naging epekto bito sa mga mag-aaral dahil mas namumulat ang mga mag-aaral sa kanilang paligid ba kung saab mas aktibo ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng kanilang mga opinyon at saloobin. Ang ilan sa mga mag-aaral ay tumatangkilik rin sa mga ibat ibang social networking sites. Layunin nitong pag-aaral na ito na patunayang may mabubuting dulot rin ang social media at internet sa pang araw-araw na buhay ng tao. 

12 komento:

  1. Napakahusay Zea ! naipahayag mo ng mahusay at malinaw ang gusto mong sabihin para sa mga iyong mambabasa at sa tingin ko ay lalo pa nilang tatangkilikin ang iyong mga susunod na ipo-post sa iyong blog sapagkat ipininakita mo kung papano ka magbigay ng saloobin ukol sa iyong naunang paksa

    TumugonBurahin
  2. Napahusay ng pagkakagawa. Aking lubos na naintindihan ang nais mong iparating.

    TumugonBurahin
  3. Ang ganda ng pagkakagawa, tunay nga na ang social media at internet ang tulay sa mga makabagong kaalaman.

    TumugonBurahin
  4. Ako'y tunay na nabighani sa kagandahan ng iyong sanaysay, talagang inspirasyonal para sa mga estudyanteng katulad mo. Mahusay!

    TumugonBurahin
  5. Tunay nga na kapaki-pakinabang ang internet sa ating pamumuhay bilang mga estudyante.

    TumugonBurahin
  6. well, what you have said was true. People now a days is too close to social media that mostly it gives them information about life. little person with dreams become a person with vision trough this internet we call now

    TumugonBurahin
  7. Magaling! Nailahad mo ng maayos ang iyong paksa at nakumbinsi mo ko na malaki ang tulong ng social media at internet sa mga mag-aaral.

    TumugonBurahin
  8. Ako'y humahanga sa iyong galing sa pagsulat. Sumasang ayon ako sa iyo, madami na ngang naidulot na magandang pagbabago ang social media at internet sa ating mga mag-aaral.

    TumugonBurahin
  9. Napakahusay mo magsulat. Ang social media at internet nga ay malaking tulong para saatin

    TumugonBurahin
  10. NAPAKAHUSAY AT NAIPALIWANAG NG MABUTIII NAPAKALAWAK NG KAALAMAN SA BLOG NA ITO

    TumugonBurahin

Pinapagana ng Blogger.